Inulan ng papuri ang kuwento ng isang virtual assistant na pumukaw sa damdamin ng netizens at kapwa niya VA, matapos niyang tulungan ang isang 75-anyos na kliyenteng taga-Texas.
Sa viral Facebook post ni John Jynell Motilla, tubong Cavite, ikinuwento niya kung paano niya nakilala ang isang lola na mag-isang naninirahan sa maliit na apartment.
“I have a client who is around 75 years old. She lives in a tiny apartment in Texas, where you can see her bed as soon as you walk in. During our meetings, she is always in bed, as it's the only comfortable place for her to sit. She has no children or spouse to care for her, which made me wonder if this is a common situation in the U.S. It truly saddened me to see her living alone,” malungkot na pagbabahagi ni John.
“Despite her circumstances, she is trying to make a living by selling online. Her only source of income is her pension, which barely covers her monthly expenses,” dagdag pa niya.
Ayon pa sa VA, nakita niya umano ang job post ni Lola na naghahanap ito ng virtual assistant na tutulong sa paggawa ng kaniyang Amazon store.
“She had been looking for a virtual assistant to help her build an Amazon store. She found someone, but due to her limited budget, they couldn't complete the process,” aniya.
Dito na niya inalok ang kliyente ng ₱5,000 kada linggo bilang kapalit ng kanyang serbisyo, ngunit nang mas lalo niyang nalaman ang kalagayan nito, nagbago ang kanyang desisyon.
“The more I understood her struggles, the more I felt compelled to help. I decided not to charge her at all and to wait until her store started generating income. It turned out to be one of the best decisions I've made,” sey pa ni John.
Sinabi pa umano ng kanyang kliyente na iiwan nito kay John ang kanyang account kung sakaling pumanaw na ito. “She even told me that she plans to leave her account to me when she passes away, as there’s no one else to take over. Hearing that was heartbreaking, as I could see how frail and vulnerable she is…”

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay John, pinaalalahanan niya ang netizens at kapwa nasa industriya hinggil sa pagtulong sa mga nangangailangan at pagpapakatao.
“Sana'y maging inspirasyon po ito upang magpatuloy tayo sa pagtulong, sa kahit anong paraan, at huwag kalimutan ang halaga ng pagiging makatao. Sana po ay magsilbing paalala na ang bawat maliit na kabutihan ay may malaking epekto sa buhay ng iba,” aniya.