April 21, 2025

Home BALITA

Sen. Risa sa pagpanaw ni Pope Francis: 'Let us keep him in our memory'

Sen. Risa sa pagpanaw ni Pope Francis: 'Let us keep him in our memory'
Photo Courtesy: Senate of the Philippines (FB), Mark Belmores/MB

Nakiisa si Senator Risa Hontiveros sa mga kapuwa niya Katolikong nagluluksa sa pagpanaw ni Pope Francis nitong Lunes ng umaga, Abril 21.

Sa Instagram post ni Hontiveros nito ring Lunes, sinabi niya ang mga bagay na maaalala niya sa mahal na Santo Papa.

“I best remember him for his clarion call to action on the climate crisis, his welcoming of women into leadership positions in the Church, and his making God’s love felt by marginalized communities across the world, especially in areas wracked by violence and conflict,” saad ni Hontiveros.

Kaya panawagan ng senadora, “Let us keep him in our memory by living the virtues he had always preached: Mercy, compassion, and hope.” “Let us show mercy for the most vulnerable among us, compassion towards each other, and hope just as the late Pope hoped for peace and justice,” dugtong pa niya.

National

PBBM sa pagpanaw ni Pope Francis: 'It is a profoundly sad day'

Pumanaw si Pope Francis sa edad na 88. Bago pa man ito, nakaranas na ng malubhang karamdaman ang Santo Papa matapos niyang maospital noong Pebrero dahil sa sakit na bronchitis na kalaunan ay naging double pneumonia.

BASAHIN: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88

BASAHIN: Malawakang prayer vigil, ikinasa sa iba't ibang panig ng mundo para kay Pope Francis