Sa kaniyang pagluluksa sa pagpanaw ni Pope Francis nitong Lunes, Abril 21, inalala ni House Speaker Martin Romualdez ang naging pagbisita ng Santo Papa sa Tacloban City noong 2015 matapos itong hagupitin ng bagyong Yolanda.
“With a heavy heart, I join the world in mourning the passing of Pope Francis—our beloved Lolo Kiko,” ani Romualdez sa isang pahayag.
Binanggit ng House leader ang naging pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong Enero 2015, kung saan nagmisa rin siya sa Tacloban Airport upang makisimpatya sa mga biktima ng bagyong Yolanda noong 2013.
“To us Filipinos, especially in Leyte, he was more than the leader of the Catholic Church. He was a source of strength, comfort, and hope. I will never forget how he came to Tacloban after Typhoon Yolanda, stood with us in the rain, and spoke to our pain. In that moment, we felt the embrace of a father,” ani Romualdez.
“Lolo Kiko reminded us that true faith is lived through compassion, humility, and service. He gave voice to the poor, dignity to the forgotten, and hope to the weary.
“The world has lost a remarkable soul. But the love and light he shared will remain with us. Rest in peace, Lolo Kiko. Maraming salamat sa lahat. You will forever be in our hearts,” saad pa niya.
Pumanaw si Pope Francis nitong Lunes ng umaga (Vatican time), sa edad na 88.
BASAHIN: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88
BASAHIN: #BALITAnaw: Ang makasaysayang pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong 2015