April 21, 2025

Home BALITA

Pope Francis, nakiisa sa Easter Sunday mass bago pumanaw

Pope Francis, nakiisa sa Easter Sunday mass bago pumanaw
Photo courtesy: screengrab from Vatican News/YT

Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay nagawa pang makiisa ni Pope Francis sa Easter Sunday mass noong Abril 20, 2025 sa St. Peter’s Square sa Vatican City. 

Iniwan ng pumanaw na Santo Papa ang mensaheng kaniyang ipinaabot kay Cardinal Angelo Comastri hinggil sa paghahanap umano kay Kristo sa buhay Kristiyano.

“We must look for him without ceasing. Because if he has risen from the dead, then he is present everywhere, he dwells among us, he hides himself and reveals himself even today in the sisters and brothers we meet along the way,” anang mensahe ng Santo Papa. 

Si Pope Francis ang kauna-unahang Hesuita na naging Santo Papa at pumanaw nitong Lunes, Abril 21, 2025 ayon sa kumpirmasyon ni Cardinal Kevin Ferrell—Vatican camerlengo.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

KAUGNAY NA BALITA: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88

Ilang oras bago ang kaniyang pagpanaw, habang sakay ng popemobile, nagawa pang puntahan at basbasan ng Santo Papa ang ilang mga deboto sa St. Peter’s Square. Ito ang kauna-unahang pakikihalubilo ni Pope Francis sa publiko matapos siyang makalabas sa ospital noong Marso 23.

Matatandaang noong Pebrero nang malagay sa kritikal na kondisyon ang Santo Papa matapos siyang maospital ng tinatayang limang linggo dulot ng kaniyang komplikasyon sa baga.

KAUGNAY NA BALITA: Pope Francis, nananatiling kritikal ang kondisyon—Vatican