April 21, 2025

Home BALITA National

Pagbaba ng trust at approval ratings ni PBBM, ‘dahil sa impluwensya ng fake news’— Malacañang

Pagbaba ng trust at approval ratings ni PBBM, ‘dahil sa impluwensya ng fake news’— Malacañang
Photo courtesy: Bongbong Marcos/Facebook at Pexels

Inalmahan ng Malacañang ang survey na inilabas ng Pulse Asia kamakailan, kung saan mapapansin ang pagbaba ng trust at approval ratings ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

Sa press briefing nitong Lunes, Abril 21, 2025, binalingan ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang impluwensya umano ng fake news sa resulta ng nasabing survey.

“Nalaman po natin na ang respondents po dito ay 2,400. So, sa 2,400 hindi naman po ito nag-rereflect ng sentimyento ng kabuuang more than 100,000 million people or Filipinos in the country. But dahil nga nakita at nabanggit nga natin itong mga fake news, sumasailalim din po ito sa impluwensya ng mga fake news na nagkakalat,” ani Castro.

Matatandaang noong Abril 16 nang maungusan ni Vice President Sara Duterte si Marcos sa pinakabagong survey na inilabas ng Pulse Asia. 

National

CBCP Pres. David, hinikayat mga simbahang patunugin kampana para kay Pope Francis

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, mas aprub sa mga Pinoy kumpara kina Marcos, Escudero, Romualdez—survey

Kinuwestiyon din ni Castro ang mga respondents sa naturang survey.

“Ang mga respondents bang ito ay nakakatanggap ng mga totoong news? o naiimpluwensyahan ng fake news? So ang mga respondents ba na ito ay hindi nakakarating ang mga tulong ng gobyerno? So dapat din po nating malaman ito sa parte ng administrasyon,” saad ni Castro.

Pinanindigan din ni Castro na hindi umano sumasalamin sa opinyon ng taumbayan ang bilang ng mga respondents na sumagot sa survey ng Pulse Asia. 

“Pero muli, 2,400 ay hindi po 'to kabuuan ng sentimyento ng buong Pilipinas. Magtatrabaho pa rin po ang Pangulo, katulad ng ating sinabi. Kung ano ang tama, kung ano ang sa batas,” anang Palace Press secretary.