April 21, 2025

Home BALITA National

Komite laban sa 'anti-kidnapping at anti-fake news,' ikinasa ng PNP

Komite laban sa 'anti-kidnapping at anti-fake news,' ikinasa ng PNP
Photo courtesy: PNP/Facebook

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) ang pagbuo nila ng dalawang komiteng tututok umano sa kaso ng kidnapping at fake news sa bansa. 

Ayon sa inilabas na pahayag ng PNP sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Facebook account noong Linggo, Abril 20, 2025, pangungunahan ni PLTGEN Edgar Allan Okubo ang Joint Anti-Kidnapping Action Committee (JAKAC) na nakatakda umanong tumutok sa imbestigasyon at pagtugis sa mga kidnap-for-hire operations sa bansa. 

Si PLTGEN Robert Rodriguez naman ang hahawak sa Joint Anti-Fake News Action Committee na inaasahang tutugon sa mga umano’y malisyosong impormasyong nakakaapekto sa seguridad at kaayusan ng lipunan. 

Dagdag pa ng PNP, iginiit umano ni PNP chief Police General Rommel Marbil na ang nasabing mga komite ay parte raw ng kanilang tungkulin sa Bagong Pilipinas. 

National

Romualdez, nagluksa sa pagpanaw ni Pope Francis; inalala pagbisita nito sa Tacloban

"These committees are not just organizational measures-they are proactive responses to modern-day threats. From kidnap-for-hire syndicates to digital disinformation campaigns, the PNP is moving decisively to protect our people. This is our commitment to Bagong Pilipinas-ensuring that law and truth prevail," ani Marbil.

BASAHIN: Index Crime sa NCR, bumaba!—NCRPO