April 21, 2025

Home BALITA National

CBCP Pres. David, hinikayat mga simbahang patunugin kampana para kay Pope Francis

CBCP Pres. David, hinikayat mga simbahang patunugin kampana para kay Pope Francis
MULA SA KALIWA: CBCP Pres. at Kalookan Bishop Pablo Cardinal Virgilio David at Pope Francis (MB file photo)

Nanawagan si Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) President at Kalookan Bishop Pablo Cardinal Virgilio David sa mga simbahan na patunugin ang kampana at mag-alay ng panalangin para kay Pope Francis na pumanaw na nitong Lunes, Abril 21.

Inanunsyo ni Cardinal Kevin Ferrell, Vatican camerlengo ang pagpanaw ni Pope Francis sa edad na 88.

BASAHIN: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88

Sa isang pahayag nitong Lunes, hinikayat din ni David ang lahat ng mga mananampalatayang ipanalangin ang Santo Papa.

National

PBBM sa pagpanaw ni Pope Francis: 'It is a profoundly sad day'

“Let us please ring the bells of our churches and call our people to prayer for the eternal repose of the Holy Father Pope Francis who passed on just about ten minutes ago,” ani David.

Bago ang pagpanaw ng Santo Papa, nagkaroon pa siya ng maikling appearance sa misa sa Vatican nitong Linggo ng Pagkabuhay, Abril 20.

Kamakailan nang makaranas si Pope Francis ng malubhang karamdaman matapos siyang maospital noong Pebrero dahil sa sakit na bronchitis, ngunit na-develop daw ito at naging double pneumonia.

BASAHIN: Malawakang prayer vigil, ikinasa sa iba't ibang panig ng mundo para kay Pope Francis