Pormal nang inendorso ni Vice President Sara Duterte si senatorial candidate Camille Villar.
Sa isang 15-second video campaign ad ni Villar, mapapanood ang pag-endorso sa kaniya ng bise presidente.
"Sa panahon ngayon, kailangan tunay na kaibigan. May malasakit sa bayan, mga mahihirap tinutulungan. Kay Camille Villar, panatag ako. May magandang bukas na parating," saad ni Duterte.
"Sa magkakaibigan," saad ni Villar.
"Walang iwanan," sabay nilang sambit.
Bagama’t inendorso na ni Duterte si Villar ay bahagi pa rin ito ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ni Pangulong Bongbong Marcos.
Matatandaang nauna nang inendorso ni Duterte si reelectionist Senador Imee Marcos, kapatid ng pangulo.
BASAHIN: ‘Itim ang kulay ng pakikiisa!’ VP Sara, pormal nang inendorso si Sen. Imee
Samantala, nitong Lunes Abril 21, dinepensahan ni Duterte ang pag-endorso niya kina Marcos at Villar, at iginiit na mapagbubuklod umano nila ang bansa kasama ang senatorial candidates ng PDP Laban.
BASAHIN: VP Sara sa pag-endorso kina Sen. Imee, Rep. Villar: ‘United by a common vision’