Sinariwa ni Archbishop Socrates Villegas ang ilang bagay tungkol kay Pope Francis matapos nitong pumanaw nitong Lunes ng umaga, Abril 21.
Sa inilabas niyang “message of sorrow and hope” nito ring Lunes, isa sa binalikang alaala ni Villegas kay Pope Francis ay ang ibinigay nitong lakas at pag-asa matapos siyang kutyain at bantaan ng mga tauhan ng gobyerno dahil sa tindig niya sa extrajudicial killings (EJK).
“When I was mocked and ridiculed and threatened by government authorities in my stand against the extra judicial killings, he assured me and encouraged me personally in Rome to carry on my task of guiding the flock through my pastoral letters,” saad ni Villegas.
Dagdag pa ng arsobispo, “He knew his bishops. He knew our tears. He knew us and he loved us. He taught us not to fear.”
Matatandaang isa si Villegas sa mga pinuno ng simbahan na nakatanggap ng death threats sa kasagsagan ng war on drugs dahil sa mahigpit na pagkondena rito.