Nagbigay ng reaksiyon sina La Union 1st district Rep. Paolo Ortega V at Lanao del Sur 1st district Rep. Zia Alonto Adiong matapos mag-endorso ng mga kandidato sa pagkasenador si Vice President Sara Duterte, na nahaharap sa impeachment trial na nakabinbin sa Senado.
Kamakailan lamang, inendorso ng Pangalawang Pangulo sina reelectionist Sen. Imee Marcos, House Deputy Speaker Camille Villar, at SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta, sa pagkasenador.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Itim ang kulay ng pakikiisa!’ VP Sara, pormal nang inendorso si Sen. Imee
KAUGNAY NA BALITA: Larawan nina VP Sara, mag-amang Villar usap-usapan
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, inendorso si Marcoleta; iginiit pagtatanggol sa kaniya noong ‘tinatakot’ OVP
Matatandaang nasabi na ni VP Sara na hindi siya mag-eendorso ng kahit na sinumang kandidato para sa nalalapit na halalan.
Ayon sa dalawang solons, batay na rin sa ulat ng Manila Bulletin, tila ang umano'y hakbang na ito ni VP Sara ay "political survival" lalo't nakasalalay umano sa Senado ang kapalaran ng kaniyang impeachment trial, na sinasabing susulong pagkatapos ng halalan.
“It’s clear that endorsements at this point are no longer just about principles or platforms. They’re about alliances, about survival," saad ni Ortega.
Pahayag naman ni Adiong, "It’s not surprising that she changed her tune on endorsing candidates. Given the context of the upcoming Senate trial, one can reasonably infer that she’s now building bridges where she once kept her distance."
“We respect her prerogative. But we cannot ignore the timing and the possible implications of these moves, especially when they shift from neutrality to active endorsement."
“A public official’s word carries weight. When that word shifts for strategic reasons, it naturally invites scrutiny," dagdag pa niya.
Iginiit pa ni Adiong na dapat daw magpakita ng pagiging patas ang Senado at independence naman sa mga senador kung sakaling gumulong na ang impeachment trial.
"The credibility of our democratic institutions is on the line. The Senate must show that it can rise above political tides and deliver a verdict grounded in truth and constitutional duty," aniya.
Nakasalalay na raw ngayon sa Senado ang tungkol sa usaping ito.
"The impeachment trial now rests with the Senate. Our expectation is fairness, transparency, and fidelity to the rule of law. Sa panahong ganito, ang kailangan natin ay matibay na prinsipyo at hindi ang pakiki-ayon para sa pansariling interes," aniya.
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni VP Sara tungkol dito.