April 20, 2025

Home BALITA National

PBBM sa ‘Linggo ng Pagkabuhay’: ‘Sama-sama rin tayong babangon bilang isang bayan’

PBBM sa ‘Linggo ng Pagkabuhay’: ‘Sama-sama rin tayong babangon bilang isang bayan’
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Sa kaniyang pakikiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay ngayong Abril 20, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sa muling pagkabuhay ni Hesukristo, sama-sama rin daw babangon ang bawat Pilipino.

Inilarawan ng pangulo sa isang Facebook post Linggo ng Pagkabuhay, na kilala rin bilang Pasko ng Pagkabuhay, bilang paalala ng pananaig ng “liwanag” at “pag-asa” para sa bawat isa.

“Ang Pasko ng Pagkabuhay ay paalala na laging nanaig ang liwanag at pag-asa,” ani Marcos sa kaniyang post.

“Sa muling pagkabuhay ni Kristo, sama-sama rin tayong babangon bilang isang bayan. Maligayang Pasko ng Pagkabuhay!” saad pa niya.

National

Kristo gawing gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay—Romualdez

Ang Linggo ng Pagkabuhay ang itinuturing ng mga mananampalatayang Kristiyano bilang isa sa mga pinakamasayang araw dahil dito ginugunita ang muling pagkabuhay at pagbabalik ni Hesus pagkatapos ng tatlong araw mula nang magpakasakit Siya para sa sanlibutan.

BASAHIN: Ano ang ginugunita sa bawat araw ng Semana Santa?