May 13, 2025

Home BALITA National

Kristo gawing gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay—Romualdez

Kristo gawing gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay—Romualdez
Photo courtesy: Martin Romualdez (FB)

Nagbigay ng mensahe si House Speaker Martin Romualdez para sa Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday, Abril 20.

Aniya sa kaniyang Facebook post, "Sa muling pagkabuhay ni Hesus, nawa’y mapagnilayan natin ang tunay na diwa ng sakripisyo, kababaang-loob, at wagas na pag-ibig."

"Ang Pasko ng Pagkabuhay ay paalala na sa gitna ng anumang pagsubok, laging may pag-asa at bagong simula."

"Magsilbi sanang gabay sa ating araw-araw na pamumuhay ang halimbawa ni Kristo—ang maglingkod nang may malasakit, magmahal nang taos-puso, at manalig sa Diyos sa lahat ng pagkakataon," dagdag pa niya.

National

Frontal system, nakaaapekto sa E. Northern Luzon, easterlies sa mga natitirang bahagi ng PH

Nagbigay na rin ng mensahe si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. para sa Linggo ng Pagkabuhay.

MAKI-BALITA: PBBM sa ‘Linggo ng Pagkabuhay’: ‘Sama-sama rin tayong babangon bilang isang bayan’