Naghayag ng paghanga si labor leader at senatorial aspirant Atty. Luke Espiritu kay comedy genius Michael V. o kilala rin bilang Bitoy.
Sa isang Facebook post ni Espiritu noong Sabado, ibinahagi niya ang kaniyang reaksiyon sa comedy sketch na ginawa ng Bubble Gang tungkol sa political dynasty.
Tampok sa naturang comedy sketch kung paano ang galawan ng mga politikong lumilikha ng sarili nilang dinastiya para gawing negosyo ang mga posisyon sa gobyerno.
Kaya sabi ni Espritu, “Umabot na sa mainstream media ang ating kampanya laban sa political dynasties. Kung dati, namamayagpag sila nang walang sumisita, ngayon may namumuong pagkabanas na ang marami sa moro-morong ito.”
“Maraming salamat kay Bitoy at Bubble Gang sa pagpapalaganap ng ating mensahe. Isa ka sa mga rare breed ng mga artista na tapat at may dunong,” dugtong pa niya.
Matatandaang isa si Espiritu sa mga tumatakbong senador na naglalayong wakasan ang umiiral na political dynasty sa bansa kasama ang kapuwa niya rin labor leader na si Ka Leody De Guzman.
MAKI-BALITA: Political dynasty, puno't dulo ng problema sa Pilipinas —Ka Leody De Guzman