April 20, 2025

Home BALITA National

5.9-magnitude na lindol, tumama sa Sultan Kudarat; sinundan ng malalakas pang pagyanig

5.9-magnitude na lindol, tumama sa Sultan Kudarat; sinundan ng malalakas pang pagyanig
Courtesy: Phivolcs/website

Niyanig ng 5.9-magnitude na lindol ang lalawigan ng Sultan Kudarat nitong Linggo ng madaling araw, Abril 20, na sinundan ng iba pang malalakas na pagyanig, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, yumanig ang magnitude 5.9 na lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:11 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 51 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Palimbang, Sultan Kudarat, na may lalim na 6 kilometro.

Naramdaman ang Intensity V sa Kiamba, SARANGANI; Lebak, SULTAN KUDARAT, habang Intensity IV - Alabel, Glan, at Maitum, SARANGANI; T'Boli, at Tupi, SOUTH COTABATO.

National

Kristo gawing gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay—Romualdez

Itinaas ang Intensity III sa Maasim, Malapatan, at Malungon, SARANGANI; Banga, City of Koronadal, Lake Sebu, Norala, Polomolok, Santo Niño, Surallah, Tampakan, at Tantangan, SOUTH COTABATO; CITY OF GENERAL SANTOS; Bagumbayan, Esperanza, Isulan, Senator Ninoy Aquino, at City of Tacurong, SULTAN KUDARAT, Intensity II sa Santa Cruz, DAVAO DEL SUR; CITY OF DAVAO; M'lang, COTABATO; Columbio, at President Quirino, SULTAN KUDARAT, at Intensity I sa CITY OF ZAMBOANGA; Hagonoy, Malalag, at Padada, DAVAO DEL SUR.

Naitala rin ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar: 

Intensity V - Kiamba, SARANGANI

Intensity IV - Maitum, SARANGANI; Surallah, T'Boli, at Tupi, SOUTH COTABATO; Kalamansig, SULTAN KUDARAT

Intensity III - City of Digos, DAVAO DEL SUR; Alabel, Glan, Maasim, at Malungon, SARANGANI; Banga, City of Koronadal, Lake Sebu, Santo Niño, and Tampakan, SOUTH COTABATO; Bagumbayan, Esperanza, Isulan, at Lambayong, SULTAN KUDARAT

Intensity II - CITY OF ZAMBOANGA; CITY OF DAVAO; Columbio, at President Quirino, SULTAN KUDARAT

Intensity I - Magsaysay, DAVAO DEL SUR; City of Kidapawan, COTABATO; CITY OF GENERAL SANTOS

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks at pinsala mula sa lindol.

Samantala, sinundan ang naturang pagyanig ng ilan pang mga lindol na tumama sa Sultan Kudarat.

Niyanig din ang bayan ng Palimbang ng magnitude 4.1 na lindol dakong 12:27 AM, magnitude 4.1 din dakong 12:42 AM, magnitude 5.1 na lindol dakong 12:50 AM, magnitude 4.3 na lindol dakong 1:10 AM, magnitude 5.4 na dakong 1:37 AM.

Pagsapit ng 5:26 ng umaga nang yanigin din ang Palimbing ng magnitude 4.4 na lindol at magnitude 4.3 na lindol bandang 7:20 ng umaga.