April 21, 2025

Home BALITA National

15 katao nasawi sa pagkalunod sa kasagsagan ng Holy Week—PNP

15 katao nasawi sa pagkalunod sa kasagsagan ng Holy Week—PNP
Photo courtesy: Pexels

Nakapagtala ng 18 kaso ng pagkalunod ang Philippine National Police (PNP) kung saan 15 sa kanila ang kumpirmadong nasawi. 

Ayon sa ulat ng isang lokal na pahayagan nitong Linggo ng Pagkabuhay, Abril 20, 2025, tinatayang nasa siyam na mga biktima ng pagkalunod ang nasa hustong edad habang ang ilan ay mga menor de edad.

Ilan sa mga rehiyong nakapagtala ng pagkalunod ay mula sa Rehiyon ng Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR). 

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni PNP chief Gen. Rommel Marbil ang publiko hinggil sa kahandaan laban sa insidente ng mga pagkalunod. 

National

Kristo gawing gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay—Romualdez

"These heartbreaking incidents are a painful reminder of how quickly accidents can happen. I am appealing to everyone: never leave minors unattended near water, always wear life vests when necessary, and avoid swimming in areas without lifeguards or safety supervision," ani Marbil.