April 20, 2025

Home BALITA National

3 suspek sa pagkidnap at pagpaslang kay Anson Que, driver nasakote na!

3 suspek sa pagkidnap at pagpaslang kay Anson Que, driver nasakote na!
Photo courtesy: Ramon Tulfo, ABS-CBN News (FB)/Pixabay

Naaresto na ang tatlong suspek na sinasabing nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa Chinese businessman na si Anson Que at personal driver na si Armanie Pabillo, Biyernes Santo, Abril 18, 2025.

Ayon sa mga ulat, ipinahayag ni Philippine National Police (PNP) PBGen Jean Fajardo ang kumpirmasyon ng pagkakasakote sa tatlong suspek ngayong Sabado De Gloria, Abril 19.

Aniya, dalawang suspek ang nasukol sa Roxas, Palawan habang isang Chinese national ang nagkusang sumuko sa PNP Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa Camp Crame, Quezon City ngayong araw ng Sabado De Gloria.

Naunang pumutok ang tungkol sa pagkidnap sa isang Chinese businessman noong Abril 6.

National

Balita, isa sa 'most trusted tabloids' sa bansa—survey

Saad sa mga naglabasang blind item at ulat, tahimik na pinag-usapan sa elite business circle ang pagdukot sa nabanggit na steel magnate at major benefactor ng philanthropic projects ng kaniyang kompanya.

KAUGNAY NA BALITA: Chinoy steel magnate, dinukot ng grupong nangidnap ng estudyante sa isang exclusive school?

Kalaunan, pinangalanan ang nabanggit na Chinese businessman na si Anson Que.

Abril 9, lumabas ang ulat na natagpuan ang bangkay ng negosyante at driver sa Rizal. Kinumpirma ni Filipino-Chinese civic leader Teresita Ang-See ang naturang insidente.

Aniya, natagpuan ng mga pulis ang bangkay Que at driver nito, may-ari ng Elison Steel, sa Rodriguez, Rizal. Dagdag pa niya, kinidnap si Que habang kumakain sa isang seafood restaurant sa Macapagal Avenue sa Pasay City kamakailan. At ayon daw sa kaniyang mga "reliable sources," nagbayad ang pamilya ni Que ng higit-kumulang ₱160 milyong ransom.

KAUGNAY NA BALITA: Kinidnap na si Anson Que, natagpuan umanong patay kasama ang driver