April 19, 2025

Home BALITA National

PBBM, nakiramay sa pamilya ng pumanaw na si Nora Aunor

PBBM, nakiramay sa pamilya ng pumanaw na si Nora Aunor
Photo courtesy: MB file photo/Lotlot De Leon (IG)

Nagpaabot na rin ng mensahe ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. para sa mga naulila ng sumakabilang-buhay na si National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar Nora Aunor, sa edad na 71.

Kinumpirma ng mga anak ni Ate Guy ang pagpanaw ng kanilang mahal na ina, gabi ng Miyerkules Santo, Abril 16.

Hindi na idinetalye ang dahilan ng kaniyang pagkamatay.

"Ipinaabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang pakikiramay sa pagpanaw ng National Artist for Film na si Nora Aunor, na kinilala bilang isang consummate actress, singer, at film producer na naghandog ng mahigit limang dekada ng kahusayan sa sining at kulturang Pilipino," mababasa naman sa caption ng post ng Presidential Communications Office (PCO) sa kanilang opisyal na Facebook page.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Bahagi naman ng mensahe ng pakikiramay ng Pangulo, "I join the nation in mourning the passing of our National Artist for Film, Nora Aunor (Nora Cabaltera Villamayor in real life). Throughout her splendid career that spanned more than 50 years, she was our consummate actress, singer, and film producer..."

"I offer my heartfelt condolences to Nora Aunor's family, friends, and the film industry itself. Let us pray together for the eternal repose of the soul of our beloved National Artist."