April 19, 2025

Home BALITA National

ICC Prosecutor may 2 saksi, ebidensyang may 8,565 pahina laban kay FPRRD

ICC Prosecutor may 2 saksi, ebidensyang may 8,565 pahina laban kay FPRRD
Photo courtesy: ICC Photo via MB

Ipinahayag ng prosecutor ng International Criminal Court na may nakahanda na silang dalawang saksi, written evidence na may 8,565 pahina, siyam na larawan, at halos 16 na oras na audio-visual files para sa confirmation of charges laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na isasagawa sa Setyembre 2025.

Si dating Pangulong Duterte ay kasalukuyang nasa ICC Detention Center sa The Hague, Netherlands matapos arestuhin noong Marso 11, 2025, para sa kasong "crimes against humanity."

Ayon kay ICC Prosecutor Karim Khan, batay na rin sa ulat ng Manila Bulletin, bagama't ang pagsasakdal ay nasa proseso pa rin ng “determining the overall quantity of written and non-written documentary evidence that it intends to rely upon at the confirmation hearing,” malamang na sasalig pa rin ito, sa pinakamababa, sa karamihan ng ebidensya na ginamit ng ICC upang maglabas ng warrant of arrest laban kay Duterte.

Ang mga ebidensya, kabilang ang mga di-nakasulat, ay nasa orihinal na mga wikang English, Tagalog, o Cebuano, ngunit tiniyak ng prosecution na ang lahat ng materyales ay ilalabas sa orihinal nitong mga wika, kalakip ang transkripsyon o pagsasalin sa Ingles kung kinakailangan.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

“The Prosecution intends to rely upon material in English, including the English translation of documents originally in Tagalog and Cebuano. With respect to rule 76(3), English is a language that Mr Duterte fully understands and speaks,” anang prosecution team.

Sinabi pa ni Khan sa Pre-Trial Chamber I na ang prosecution ay patuloy na nagsasagawa pa ng imbestigasyon kay Duterte.

“The Prosecution intends to review and disclose any new evidence collected during this investigation on a rolling basis,” anila.

Nakatakda ang confirmation of charges hearing sa Setyembre 23.

Raymund Antonio