April 16, 2025

Home BALITA National

Sen. Imee, binakbakan si SP Chiz: ‘Ambisyoso!’

Sen. Imee, binakbakan si SP Chiz: ‘Ambisyoso!’
Photo courtesy: Senate of the Philippines/FB

Binuweltahan ni reelectionist Senator Imee Marcos si Senate President Chiz Escudero matapos ang naging isyu nila hinggil sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa umano’y ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang virtual press conference nitong Martes, Abril 15, 2025, tahasang tinawag ng senadora na ambisyoso umano ang Pangulo ng Senado. 

“Yung ginagamit para sa pulitika, nakakatuwa naman kasi alam naman natin na siya yung ambisyoso,” ani Marcos. 

Matatandaang nagkagirian sa pagitan ng dalawa matapos ang pagpapalaya kay Ambassador Markus Lacanilao alinsunod na direktiba ng Senate President matapos siyang ma-contempt, at taliwas naman sa utos ng Committee Chair na si Sen. Imee. 

National

Mensahe ng DOH ngayong Holy Week: 'Hindi kailangan sugatan ang sarili'

KAUGNAY NA BALITA: SP Chiz, ‘di pinirmahan contempt order vs Ambassador Lacanilao; pinalaya agad – Sen. Imee

Sa inilabas na pahayag ni Escudero, iginiit niyang hindi umano dapat gamitin ni Marcos sa kaniyang sariling interes ang posisyon niya sa Senado.

KAUGNAY NA BALITA: SP Chiz hinimok si Sen. Imee na iwasang gamitin ang Senado para sa 'personal political objectives' nito

Pahaging pa ng Senadora, “Alam ko mataas ang iniisip nu'n. At syempre bagong Kongreso [after elections], syempre bago na naman ang Senate President, baka na-te-tense. 'Di ko alam, pero alam ko parating may plano yun eh. Marunong yun eh.”