Nagdulot ng inspirasyon sa kaniyang mga kabarong guro si Teacher Mabelle Hermo Apuada matapos niyang ibahagi ang pagkilalang natanggap pagdating sa attendance.
Batay sa Facebook post ni Apuada, 33-anyos, nagtuturo ng asignaturang Science 7 sa Sampaguita High School, ginawaran siya ng sertipiko ng "Perfect Attendance Award" para sa school year 2024-2025.
Bida pa ng guro, wala raw siyang mintis sa pagtatamo ng ganitong award simula pa noong 2018.
Ito raw ay patunay ng kaniyang dedikasyon sa kaniyang pagtuturo para sa mga mag-aaral.
"I am proud to share that I have achieved perfect attendance as a DepEd teacher, with a record of 173 out of 173 days present S.Y. 2024-2025," mababasa sa kaniyang post.
"This accomplishment reflects my unwavering commitment, dedication, and passion for teaching and serving my students. Despite the challenges and demands of the profession, I have consistently shown up ready to teach, inspire, and make a difference every single day."
"This milestone is not just a number, but a testament to my strong sense of responsibility and love for my role as an educator," dagdag pa niya.
"Perfect Attendance since 2018 ," aniya pa.
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Apuada, ibinahagi niyang anim na taon siyang nagturo sa private school at pitong taon naman bilang Department of Education (DepEd) public school teacher.
Natanong ang guro kung bakit lagi siyang perfect attendance at hindi pa lumiban sa kaniyang pagpasok sa paaralan.
"I always aim for perfect attendance because I believe that being present is one of the most important responsibilities of a teacher," aniya.
"Our students rely on us every day not just to teach, but to guide, support, and inspire them. I want to be there for them consistently," dagdag pa.
Natanong naman sa guro kung ano ang sikreto niya, na kahit sinasabing challenging ang pagiging guro sa kasalukuyan, ay patuloy pa rin siyang pumapasok at hangga't maaari, hindi lumiliban.
"There’s no real secret, just discipline, passion, and a strong sense of purpose. I take care of my health, manage my time wisely, and keep a positive mindset."
"I also remind myself daily that teaching is not just a job, but a commitment I chose wholeheartedly," aniya.
Kaya naman, mensahe niya sa mga kapwa guro lalo na sa paparating na school year 2025-2026, "To my fellow teachers, I encourage you to find your 'why.'"
"When you remember your purpose and the impact you make, it becomes easier to show up every day."
"Prioritize your well-being, stay organized, and surround yourself with positive people."
"Every day in school is a chance to make a difference, don't miss it," aniya.