April 19, 2025

Home SHOWBIZ

Nora Aunor, pumanaw na sa edad na 71

Nora Aunor, pumanaw na sa edad na 71
Photo courtesy: Kristoffer Ian De Leon (FB)

Sumakabilang-buhay na ang Superstar na si Nora Aunor sa gulang na 71 ngayong Miyerkules Santo ng gabi, Abril 16.

Kinumpirma ito ng kaniyang anak na aktor si Ian De Leon, sa pamamagitan ng Facebook post

"We love you Ma.. alam ng diyos kung gano ka namin ka mahal.. pahinga ka na po Ma.. nandito ka lang sa puso at isipan namin.." aniya. 

Sa isa pang Facebook post, "With deep sorrow and heavy hearts, we share the passing of our beloved mother, Nora C. Villamayor 'Nora Aunor' who left us on today April 16, 2025 at the age of 71.

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

"She was the heart of our family — a source of unconditional love, strength, and warmth. Her kindness, wisdom, and beautiful spirit touched everyone who knew her. She will be missed beyond words and remembered forever."

"Details to be announced tomorrow."

Hindi naman ibinigay ni Ian ang dahilan ng pagkamatay ng ina.

Kamakailan lamang, tuluyan nang iniatras ng National Artist for Film and Broadcast Arts ang kaniyang kandidatura bilang ikalawang nominee ng People’s Champ Guardians party-list.

MAKI-BALITA: Nora Aunor, umatras sa kandidatura sa Kongreso; susuportahan ibang 'party-list'

Si Nora Aunor, kilala rin bilang "Superstar ng Pilipinas" at "Ate Guy," ay isa sa mga pinakamatagumpay t pinakamahusay na artista sa kasaysayan ng Pelikulang Pilipino. Ang kaniyang karera ay puno ng mga tagumpay at pagkilala sa kaniyang husay sa pag-arte at pag-awit.

Si Ate Guy ay ipinanganak noong May 21, 1953, sa Iriga City, Camarines Sur. Sa malawak na karanasan sa pinilakang-tabing, naging pangunahing bida siya sa mga pelikula na kaniyang ginawa, kabilang ang mga klasikong gaya ng "Himala" (1982), "Bona" (1980), "Thy Womb" (2012), at marami pang iba. 

Huwag nang banggitin ang mga parangal na "Best Actress" sa iba't ibang award-giving bodies, bilang pagkilala sa kaniyang mga kontribusyon, tinagurian si Nora Aunor bilang "National Artist" o Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng pelikula at broadcast arts, na ipinagkaloob sa kaniya sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Ito ay isang maikling paglalarawan lamang ng karera at kontribusyon ni Nora Aunor sa sining ng Pilipinas, at mananatili siyang buhay sa isip at puso ng mga Noranian.