April 19, 2025

Home BALITA Eleksyon

Magalong, payag pakalkalin records ng yaman at ari-arian niya sa Baguio

Magalong, payag pakalkalin records ng yaman at ari-arian niya sa Baguio
Photo courtesy: Benjie Magalong - Public Servant (FB)

Puwedeng makakuha ng kopya ng kaniyang SALN o Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth ang sinumang magnanais na malaman ang sakop at dami ng ari-arian ni re-electionist Baguio City Mayor Benjamin Magalong, batay sa kaniyang latest Facebook posts.

Ibinahagi ni Magalong sa kaniyang Facebook post ang authorization letter na nilagdaan niya, Miyerkules, Abril 16, na nagpapahintulot sa sinumang nagnanais na magkaroon ng records ng kaniyang real properties at businesses niya sa Baguio City, na tinanggap naman ng City Assessor's Office.

Photo courtesy: Benjie Magalong (FB)

Nakasaad dito na ang sertipikasyong iyon ay nasa diwa ng transparency at good governance, gayundin sa mga pagpapahalagang pinanghahawakan niya sa nagdaang dekada bilang public servant.

Sa isa pang Facebook post, ipinagdiinan ni Magalong na alang-alang sa "good governance" at pagtupad niya sa pangako sa ginanap na "leader's forum" kaya niya isinagawa ang hakbang na ito.

Eleksyon

VP Sara, inendorso si Marcoleta; iginiit pagtatanggol sa kaniya noong ‘tinatakot’ OVP

Ibinida ni Magalong ang pirmadong authorization ltter niya, at sinumang nagnanais na makakuha ng kopya ng kaniyang ari-arian ay maaaring magsadya sa City Assessor's Office.

"GOOD GOVERNANCE IS TRANSPARENCY," mababasa sa post ng "Good Governance Alliance."

"Bilang pagtupad sa pangako n'ya noong Leaders' Forum, pumirma ng authorization letter si Mayor Benjie Magalong."

"Sa pamamagitan ng sulat na ito, kahit sino ay pwedeng magtungo sa City Assessor's office para humingi ng kopya ng mga ari arian ni Mayor Magalong sa Baguio," mababasa pa. 

Sa video, ipinaliwanag ni Magalong na ginawa niya ang hakbang na ito para sa mga nag-aakusa at nagdududa laban sa kaniya pagdating sa kaban ng bayan. Hinimok at hinamon din niya ang mga kalaban sa politika gayundin ang iba pang public servant na gawin din ito. 

Matatandaang noong 2023 at 2024 ay naharap sa dalawang kasong graft si Magalong sa Office of the Ombudsman, dahil sa umano'y maanomalyang pagbili ng housing project land sa Tuba, Benguet, at ang pangalawa naman ay sa umano'y kuwestyunableng rehabilitasyon ng isang gusali sa Barangay Irisan. Isinampa ang mga kaso ni Councilor Mylen Yaranon, bilang paglabag daw sa Republic Act 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act.

Kamakailan lamang, kinuwestyon ni Magalong ang legalidad ng kontrobersiyal na umano'y anomalya sa General Appropriations Act (GAA).

Hinamon naman ng Palasyo ang Baguio City mayor na patunayan ang mga paratang niya laban sa nabanggit na national budget.

MAKI-BALITA: Palasyo, hinamon si Magalong hinggil sa anomalya ng GAA: ‘Ibigay ang mga ebidensya!’