Kinontra ng Philippine National Police (PNP) ang ipinakita umano sa “ITIM” campaign ads ni reelectionist Sen. Imee Marcos kasama si Vice President Sara Duterte kaugnay ng pagtaas daw ng kriminalidad sa bansa.
KAUGNAY NA BALITA: 'ITIM' campaign ad concept, pakana raw ni VP Sara sey ni Sen. Imee
Sa Press briefing sa Palasyo noong Martes, Abril 15, 2025 ngkomento si PNP Major General Roderick Augustus Alba—direktor ng Police Community Relations Office sa naturang campaign ads ng senadora.
“This creates a lot of perceptions. But sa amin sa PNP ay tuloy-tuloy lang po ang aming kampanya against all forms of lawlessness. But we can only speak of what we have. Yung ating crimes statistics” ani Alba.
Iginiit din niya ang pagbaba raw ng bilang ng krimen sa bansa kumpara noong 2024.
“Which we actually reported a few days or few weeks ago where it covers from January to April of 2025. As compared to last year where we have a big decrease of 26% sa aming crime statistics. So we stick with the reality of what we have now yung aming data,” aniya.
Nanindigan din si Alba na hindi raw magpapaapekto ang PNP sa hatid na mensahe ng naturang campaign material.
“We respect yung perception ng ating mga community, but we speak of our duties na dapat naming ipinapatupad. We should not be affected by this negativities kung mayroon man,” saad ni Alba.
KAUGNAY NA BALITA: Index Crime sa NCR, bumaba!—NCRPO