April 16, 2025

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

Ang kasaysayan ng krus bago maging simbolo ng Kristiyanismo

Ang kasaysayan ng krus bago maging simbolo ng Kristiyanismo
Photo Courtesy: Freepik

Sa mahabang panahon, bahagi ng Kristiyanismo ang krus bilang simbolo nito. Mahirap isipin ang pag-iral ng simbahan kung wala ito. Parang Pilipinas na walang Jose Rizal o Amerika na hindi nagkaroon ng George Washington.

Pero bago pa man kilalanin ang krus bilang simbolo ng Kristiyanismo, kinatakutan muna ito ng marami. Dahil minsan sa kasaysayan, nagsilbi itong kasangkapan para parusahan ang mga mga kriminal at lumalaban sa gobyerno ng Roma.

Matatandaang may mga naniniwalang ang pagkamatay ni Jesus sa kamay ng mga Romano ay isang uri ng political persecution.

Kung pagbabatayan umano ang konteksto ng kasaysayan, si Jesus ay nangaral sa panahong inaapi at inaabuso ng mga Romano ang mga Hudyo. Nanawagan siya ng pagbabago at lumaban sa paraang alam niya mula roon sa opresyong umiiral sa kaniyang panahon.

Mga Pagdiriwang

‘Pananampalataya sa Diyos,’ sandata ng 60-anyos na guro sa pakikipaglaban sa sakit

Gaya nga ng sabi niya sa Mateo 10:34, “Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan.”

Kaya matapos mamatay si Jesus, matagal na panahon pa bago ginamit ang krus bilang simbolo ng Kristiyanismo. 

Ayon sa sociologist na si Dr. Manuel Sapitula sa isang episode ng” History with Lourd” noong Hunyo 2023, ikinahihiya umano ng simbahan ang krus dahil ito ay ginagamit para sa mga taong itinuturing na kriminal.

“May mga ibang simbolo silang ginagamit katulad ng isda. Kasi ang isda sa Greek ay ‘Ichthys.’ So, parang ‘Christos,’ ‘Ichthys,’” paliwanag pa ni Dr. Manuel. 

Saka na lang umano naging katanggap-tanggap ang krus bilang simbolo ng Kristiyanismo sa pagpasok ng ikaapat na siglo nang itaguyod ito ni St. Athanasius ng Alexandria, na ngayo’y Egypt.