Matapos siyang opisyal na inendorso ni Vice President Sara Duterte, binigyang-diin ni Senador Imee Marcos na hindi sila nagpa-plastikan ng bise presidente bagkus sila ay totoong magkaibigan.
Sa kaniyang panayam sa Brigada News GenSan nitong Martes, Abril 15, sinagot ni Marcos ang mga nagsasabing "plastikan" lamang daw ang relasyon nila ni Duterte matapos siyang i-endorso nito.
"Nako ang tindi naman ng plastikan[...] hanggang ngayon ipaglalaban ko yung pagiging kaibigan ko [kay VP Sara]. Kasi yun nga, talaga naman, hanggang ngayon ba plastikan pa rin [ang sinasabi], ang dami ng nangyari, ang dami ng trouble kumbaga, nako hindi ito plastikan. Tunay na tunay basta kaibigan ko 'yan [si VP Sara] period," saad ni Marcos.
Noong Lunes, Abril 14, nang maglabas ang senadora ng isang campaign video kung siya inendorso ng bise presidente.
BASAHIN: ‘Itim ang kulay ng pakikiisa!’ VP Sara, pormal nang inendorso si Sen. Imee
Matatandaang kumalas si Marcos sa senatorial slate ng kapatid niyang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong Marso at ipagpapatuloy na lang daw niya ang pagiging independent candidate.
MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas