Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa viral video ng isang estudyanteng nasa moving-up ceremony na ihahatid sana sa entablado ng kaniyang nanay, subalit laking-gulat ng bata nang pagbaling niya, tatay na niya ang kasama niya.
Sa Facebook post ng isang nagngangalang "Ali Caz," makikitang napaiyak ang estudyante sa video nang makita niya ang ama, na isang Overseas Filipino Worker (OFW), na kasamang maghahatid sa kaniya sa entablado.
"Best surprise ever"
"Dad showing up at moving up ceremony. "
"Look at the son's genuine reaction "
"Congratulations Inaanak," aniya.
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Ali, napag-alamang tatlong taon nang nagtatrabaho ang tatay sa Saudi Arabia bilang driver.
Palihim daw na umuwi sa Pilipinas ang tatay para makasama ang kaniyang anak sa Grade 10 moving-up ceremony.
"Three years po kasi na hindi sila nagkita. And ang bata po kasi ay close sa father," kuwento ni Ali.
Marami naman sa mga netizen ang naka-relate sa nabanggit na eksena.
"Daming naka relate na ofw sa mga lumayo pra sa kinabukasan Ng mga anak salute Ako sainyo"
"Sarap sa pakiramdam ung maiyak ka kahit Di mo naman ka Anu anu."
"Nakakaiyak yung mga ganiyang eksena... kudos sa father and congrats sa anak!"
"Bakit umiiyak na ko rito huhuhu..."
Samantala, humamig na ng million views ang nabanggit na viral video.