April 16, 2025

Home BALITA Eleksyon

Usec. Castro sa mga botante: 'Wag magpaloko sa mga sinasabi ng iilang campaign ads'

Usec. Castro sa mga botante: 'Wag magpaloko sa mga sinasabi ng iilang campaign ads'
photo courtesy: Screenshot via PCO/FB, MB file photo

Binigyang-payo ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro ang mga botante ngayong panahon ng eleksyon.

Sa isang press briefing nitong Martes, Abril 15, sinabi ni Castro na dapat maging mapanuri ang mga botante at huwag magpaloko sa mga campaign ads.

"Ang mga botante po ay dapat maging mapanuri. 'Wag pong magpaloko sa mga sinasabi sa iilang campaign ads. Alamin ang katotohanan, iwasan ang fake news. Dignidad mo, boto mo, kinopya ko po 'yan lahat mula sa kaniyang sticket," aniya at itinuro ang babae sa kaniyang harap.

Kaugnay nito, nagbigay-pahayag din si Castro hinggil sa campaign video ni Senador Imee Marcos, kung saan inilalarawang "ITIM" na ang kulay ng bansa.

Eleksyon

Comelec Task Force, naghain ng disqualification case laban kay Pasig congressional bet Christian Sia

BASAHIN: Usec. Castro, sinabing 'sobrang itim' ng nakaraang administrasyon

Samantala, kung may kulay raw na maglalarawan sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, sinabi ni Castro ito ay papunta na sa kulay "puti."

BASAHIN: Marcos admin, papunta na sa 'puti' sey ni Usec. Castro