April 16, 2025

Home BALITA Probinsya

Parokya, nag-sorry matapos kumalat video ng paring nagpapaalis ng tindera

Parokya, nag-sorry matapos kumalat video ng paring nagpapaalis ng tindera
Photo Courtesy: Screenshots from Why so Random (FB)

Naglabas ng pahayag ang St. Francis of Assisi Parish Cainta Rizal kaugnay sa isang video na kumalat kung saan makikitang pinapaalis ng pari ang isang nagtitinda ng palaspas sa loob ng bakuran ng parokya.

Sa Facebook post ng parokya noong Linggo, Abril 13, taos-puso silang humingi ng paumanhin sa lahat ng mananampalatayang nasaktan, nalito, o nabahala.

“Nauunawaan po namin ang damdaming dulot nito, lalo na sa mga may malalim na pagmamahal sa Simbahan at sa mga lingkod nito,” saad ng parokya.

“Gayunman,” pasubali nila, “nais naming linawin na ang video na kumakalat ay hindi buo at may kinikilingang pananaw. Hindi nito ipinapakita ang mga pangyayaring naganap bago ang nakuhanang video.”

Probinsya

Isang taong gulang na bata, patay matapos tuklawin ng ahas nang 6 na beses

Anila, nauna na umanong magbigay ng paalala ang mga opisyal ng parokya na hindi pwedeng magbenta sa bakuran ng simbahan bilang paggalang sa kabanalan ng lugar.

“Sa kabila nito, nagkaroon ng pagtatalo kung saan may hindi kanais-nais na salitang ibinato sa pari -ito po ang bahaging hindi naipakita sa naturang video,” dugtong pa nila.

Kaya hiling ng simbahan, bagama’t hindi nila kinukunsinti ang anomang uri ng galit, unawain daw sana ang buong konteksto ng pangyayari at huwag agad humatol batay lang sa isang putol na video.