April 17, 2025

Home BALITA Eleksyon

Lacuna, dedma sa mayoral survey; tunay na survey makikita raw sa araw ng eleksyon

Lacuna, dedma sa mayoral survey; tunay na survey makikita raw sa araw ng eleksyon
photo courtesy: Dra. Honey Lacuna/FB

Dedma lang at hindi apektado si Manila Mayor Honey Lacuna sa lumabas na survey na ang kaniyang mga katunggali sina dating Manila Mayor Isko Moreno at Sam Versoza ang mahigpit na magkatunggali sa nalalapit na halalan sa pagka-alkalde sa Maynila.

Nauna rito, sa resulta ng 'Boses ng Bayan' pre-election survey na isinagawa ng  RPMD Foundation Inc. (RPMD) at RPMD News Network Inc. (RPMD News) noong Marso 15 hanggang 20, 2025, lumitaw na si Moreno umano ang nangungunang kandidato sa halalan sa pagka-alkalde sa Maynila, matapos na makakuha ng 45% voter preference. 

Sinundan naman ito ni Versoza na nakakuha ng 38% voter preference.

Ayon kay Atty. Princess Abante, na siyang tagapagsalita ni Lacuna, dedma lamang dito ang alkalde at tuloy sa pagtatrabaho at pagsisilbi para sa mga residente.

Eleksyon

Magalong, payag pakalkalin records ng yaman at ari-arian niya sa Baguio

“Ang totoong survey ay makikita sa araw ng eleksyon,” ani Abante.

Paniniguro pa niya, tuluy-tuloy lang si Lacuna kasama ang kaniyang ka-tandem na si Vice Mayor Yul Servo Nieto, at buong partidong Asenso Manilenyo, sa paglalahad ng kanilang mga nagawa sa Lungsod ng Maynila sa kaniyang unang termino at sa pagtama ng mga mali at pekeng balita, paninira at mga paratang.

Naniniwala rin aniya ng alkalde na ang tapat at totoo pa rin ang pakikinggan ng mga Manilenyo.