Sa makasaysayang pagkakataon, nakapunta na sa kalawakan ang American pop star na si Katy Perry kasama ang all-female space crew, ayon sa kaniyang social media post.
Aniya, "I’ve dreamt of going to space for 15 years and tomorrow that dream becomes a reality "
"The Taking Up Space Crew launches tomorrow morning at 7am CT and I am SO honored to be alongside 5 other incredible and inspiring women as we become the first ever all female flight space crew!" aniya.
Naka-tag sa post ang crew mates niyang sina media personality Gayle King, scientists Aisha Bowe at Amanda Nguyen, journalist Lauren Sanchez, at film producer Kerianne Flynn.
Sa latest Instagram post naman ng pop star ay makikita ang kuhang video nila habang nasa space.
"One day when you’re older, will YOU still look up in wonder?"
"Still processing this incredible journey Thank you @blueorigin and to my space sisters, taking up space AND making room in space for all - 143," aniya.
Noong 1963, ang kauna-unahang babaeng astronaut na nakarating sa outer space nang mag-isa lamang ay si Valentina Tereshkova, isang Russian.
Makalipas ang ilang dekada, ang grupo nina Perry ay kauna-unahang all-female flight sa kalawakan kaya maituturing itong makasaysayan.