April 16, 2025

Home BALITA Eleksyon

'ITIM' campaign ad concept, pakana raw ni VP Sara sey ni Sen. Imee

'ITIM' campaign ad concept, pakana raw ni VP Sara sey ni Sen. Imee
Photo Courtesy: Imee Marcos (FB)

Nagbahagi ng ilang detalye si re-electionist Senator Imee Marcos kaugnay sa kaniyang latest campaign advertisement kasama si Vice President Sara Duterte.

Matatandaang inendorso si Sen. Imee ni VP Sara sa naturang advertisement sa muling pagkandidato niya bilang senador ngayong 2025 midterm elections.

MAKI-BALITA: ‘Itim ang kulay ng pakikiisa!’ VP Sara, pormal nang inendorso si Sen. Imee

Sa isinagawang virtual conference nitong Martes, Abril 15, sinabi ni Sen. Imee na si VP Sara umano ang utak sa likod ng advertisement.

Eleksyon

Usec. Castro sa mga botante: 'Wag magpaloko sa mga sinasabi ng iilang campaign ads'

“Sa totoo lang biglaan na lang kami. Pareho kami nakalimot na may kampanya pala... Siya ang nagpupumiglas na kinakailangang itim... Itim ay simbolo na 'Ipaglaban ang Tama, Itama ang Mali,'" saad ni Sen. Imee.

Dagdag pa niya, “Totoo nga naman. Parang 'di naman angkop na magsayaw-sayaw. ‘Di naman tama na magmomotor, wala na sa lugar sa panahon na ito na napakahirap ng dinadanas ng ating mga mamamayan.”

Bukod dito, naghayag din ang senadora ng lungkot sa kasalukuyang ugnayan nila ng kapatid niyang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Aniya, "'Di naman masaya na ganon, na may humahadlang, na may mga harang, na hindi na kami nakakapag-usap nang maayos at kung tutuusin, pamilya pa rin kami pulitika lang ito."

"Malungkot ako dito, hindi ko pinagmamalaki itong mga pangyayari. Sana nabigyan ng solusyon," dugtong pa ng senadora.

Matatandaang inanunsiyo kamakailan ni Sen. Imee ang pagkalas niya sa senatorial slate ng administrasyon, ang "Alyansa Para sa Bagong Pilipinas."

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee, dismayado sa ‘di pagdalo ng Cabinet officials sa hearing niya