Ibinahagi ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Singapore ang kaniyang naranasan matapos umano niyang bumoto sa pamamagitan ng online voting para sa 2025 National and Local Elections.
Sa latest Facebook post ni Jefferson Salazar Bonoan noong Linggo, Abril 13, sinabi niyang nadismaya raw siya matapos niyang hindi ma-verify kung sino-sino ang mga kandidatong binoto niya.
“I am so disappointed that I couldn't verify it, the portal shows a QR code after voting and it states that ‘YOU CAN VERIFY YOUR BALLOT HAS BEEN CAST CORRECTLY AT ANY MOMENT USING THE FOLLOWING QR CODE’ but when I scanned the QR Code, it doesn't shows names of the candidates that I voted, instead it shows some names which I didn't vote,” saad ni Jefferson.
Kaya tanong niya sa Commission on Elections (COMELEC), “HOW CAN YOU SHOW US OFW'S THAT OUR VOTES WERE CAST CORRECTLY?”
“Unlike the past Elections, we can see Receipts after the ballots were inserted in PCOS machines. WE OFW's have the right to know and we are not blind of what's going on in our beloved Country Philippines,” dugtong pa niya.

Smaantala, ayon sa panayam ng media kay Comelec Chairman George Erwin Garcia nitong Lunes, Abril 14, iginiit niyang security features lang umano ang mga pangalang lumalabas sa nasabing resibo ng bawat botante.
MAKI-BALITA: Mga 'mismatch na pangalan' sa resibo ng online voters, 'security features lang'—Comelec
Matatandaang nagsimula na noong Linggo, Abril 13, ang online voting para sa mga OFW, at tatagal hanggang Mayo 12.