April 16, 2025

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

Ang Mahal na Araw bilang paalala sa halaga ng tao

Ang Mahal na Araw bilang paalala sa halaga ng tao
Photo Courtesy: Freepik

Sa buong taon, ang daming kailangan habulin, ang daming dapat tapusin. Habang tumatagal, parang nagmamadali lahat ng nasa paligid. Pabilis nang pabilis ang takbo ng oras.

Nagiging makina tuloy ang tao na idinisenyo para gumawa nang gumawa, sumunod nang sumunod sa mga utos, at umangkop nang umangkop sa mga pabago-bagong pamantayang itinatakkda ng lipunan kung ano ang mahalaga sa hindi. 

At ito siguro ang silbi ng pag-iral ng mga Mahal Na Araw sa loob ng isang taon. Mabigyan ang tao ng pagkakataong tumigil pansamantala upang makita niya ang kaniyang halaga.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, nagbigay si Father Warren Puno, Kura Paroko ng Our Lady of Peace and Good Voyage Parish Church, para sa mga mananampalatayang Kristiyano ngayong ginugunita ang mga Mahal na Araw.

Mga Pagdiriwang

Semana Santa sa mata ng isang Gen Z

“Sana itong mga Mahal na Araw ay mas maging malalim na pagninilay sa ginawa ng Diyos sa atin nang makita natin ‘yong halaga natin …lalo’t higit  sa panahon ngayon na para bang ang buhay ng mga tao ay pinapawalang-halaga; binabalewala tayo,” saad ni Father Warren.

Dagdag pa niya, ”Kung sa mata ng iba tayo ay walang halaga dahil tayo ay mahirap lang at wala tayong yaman sa mundong ito, pero lagi nating tatandaan na paalala sa atin itong mga Mahal na Araw na ito na tayo ay mahalaga sapagkat pinag-alayan tayo ng Diyos ng Kaniyang buhay.”

Kaya sa kabilang banda, mahalagang isaalang-alang ang wastong paggunita sa mga Mahal na Araw upang higit na madama ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan. 

MAKI-BALITA:ALAMIN: Mga dapat isaalang-alang sa wastong paggunita ng Semana Santa