April 16, 2025

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Paano nagkaroon ng tradisyong pagpapapako sa krus tuwing Semana Santa sa PH?

ALAMIN: Paano nagkaroon ng tradisyong pagpapapako sa krus tuwing Semana Santa sa PH?
(MB file photo)

Isa na sa mga kilalang isinasagawang penitensya ng ilang mga mananampalatayang Katoliko tuwing Semana Santa ang pagpapapako sa krus bilang tanda ng kanilang pagsisisi o pagsasakripisyo para kay Hesukristo na inialay ang buhay para sa sanlibutan.

Upang mas maunawaan kung saan nagmula ang nasabing gawi ng mga namamanata, ipaliwanag ng historyador na si Xiao Chua na inere sa ABS-CBN News noong 2014, na pumapatak ang konsepto ng pagpapapako sa krus sa penitensya na nagmula noong panahon ng Espanyol.

“Of course, sabi ng mga historians, nagmula ito sa mga Kastila mismo. In-introduce ng mga pari sa mga male Filipinos noon. At ang ginagawa nila ay, ang tawag pa noon, disiplina. And that is why they were doing that, yung nag-flagellate sila, naghahampas ng sarili,” ani Chua.

Binanggit din ng historyador ang tala ng mga eksperto na bagama’t panahon pa ng mga Espanyol ang penitensya, sa huling bahagi ng 1950s unang lumitaw ang pagpapapako sa krus sa Pampanga.

Mga Pagdiriwang

Semana Santa sa mata ng isang Gen Z

Ngunit, ano naman kaya ang naging ugat ng pagpapapako sa krus ng ilang mananampalataya?

“Una, meron na tayong template kasi, noong bago dumating yung mga Kastila, na pag namatay ang isang datu, yung mga under diyan na mga tao, ang gagawin nila, papaluputan nila ng ratan na masakit yung sarili nila for a certain period of time,” paliwanag ni Chua.

“Of course, noong dumating yung Kristiyanismo, si Kristo na yung chief datu natin, so you are going to sacrifice for him.”

Pangalawang paliwanag na binanggit ng historyador ay ang naging tala ng anthropologist na si Fernando Chalcitano na mayroon ding nakagawian ang mga ninuno noon na kapag nagkasakit ang isang tao, pumapatay sila ng baboy at winiwisik ang dugo nito sa may sakit upang gumaling ito.

“Now, ang paggaling ng tao, nakukuha din yan sa penitensya. Nagpe-penitensya ang tao, bakit? Kasi meron siyang malaking pabor na hinihingi,” saad ni Chua.

“At kung sa Kristiyanismo, yung pagpapakasakit at pag-iwan doon sa health mo ay mahalaga para sundin si Kristo. Para sa mga Pilipino, sinasaktan nila yung sarili nila para makamit yung kaginhawahan at yung kalusugan,” saad pa niya.