April 15, 2025

Home BALITA National

VP Sara sa paggunita ng Semana Santa: 'Tularan sana natin ang pagmamahal ni Hesus'

VP Sara sa paggunita ng Semana Santa: 'Tularan sana natin ang pagmamahal ni Hesus'
(screenshot: Inday Sara Duterte/FB)

Nagbigay-mensahe si Vice President Sara Duterte kaugnay sa paggunita ng Semana Santa. 

Noong Linggo, Abril 13, nagsimula na ang paggunita ng Semana Santa o Holy Week. 

"Nakikiisa ako sa sambayanang Pilipino sa pagdarasal, pag-aayuno, at pagbubukas ng ating puso ngayong Semana Santa. Ito ay mahalagang pagkakataon upang pagnilayan natin ang banal na pag-aalay ng buhay ni Hesus upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan," saad ni Duterte sa isang video message nitong Lunes, Abril 14. 

"Magsilbi sanang ilaw sa atin ang sakripisyo ni Hesus at patatagin natin ang ating pananampalataya sa mga panahong tayo ay nagiging mahina, nawawalan ng pag-asa, o punong-puno ng pasanin, galit, at mga hangaring lumaban sa ating kapwa," dagdag pa ng bise presidente. 

National

50°C na heat index, naitala sa Los Baños, Laguna

Iginiit din ni Duterte na ang maging paanyaya ang panahong ito na maging panahon ng paghilom, pagbabalik-loob, at pagpapabalik-tanaw.

"Habang dumaranas ang bayan ng matinding pagsubok at lalong lumalalim ang pagkawatak-watak, ang Kuwaresma ay paanyaya para sa panahon ng paghilom, pagbabalik-loob, at pagbabalik-tanaw sa mga pinahahalagahan nating Pilipino: malasakit, pananampalataya, at pagkakaisa.

"Tularan sana natin ang pagmamahal ni Hesus sa atin — ituro ito, palaganapin ito, at gamitin ito sa ating pagsusulong at pagpapalakas ng mga komunidad na nananampalataya, nagsisilbi sa kapwa at sa bayan.

"Manalig tayo. Magkaisa tayo. Malalampasan natin ang dilim.

"God save the Philippines."

KAUGNAY NA MGA BALITA:

Ano ang ginugunita sa bawat araw ng Semana Santa?

Bakit taon-taong nag-iiba ang petsa ng Semana Santa?