April 15, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Travel vlogger, naglabas ng saloobin tungkol sa 'random checking' na nagaganap sa airport

Travel vlogger, naglabas ng saloobin tungkol sa 'random checking' na nagaganap sa airport
Photo courtesy: The Pinoy Traveler (FB)

Umani ng reaksiyon at komento sa mga netizen ang Facebook post ng isang travel vlogger patungkol sa mga napababalitang "random checking" na nagaganap sa airport, na nag-viral naman kamakailan nang i-share ito ng isang netizen na nakaranas daw nito.

Mababasa sa Facebook post ni "The Pinoy Traveler" noong Abril 9, nabalitaan daw niya ang muling pagbabalik ng "laglag-bala" o sa iba pang tawag ay "tanim-bala" sa airport sa Pilipinas.

Giit ng vlogger, kahit naman daw sa ibang bansa ay may tinatawag na random checks, at kahit siya mismo, ay nakaranas na nito.

"Nabalitaan ko na naman—may balita ulit tungkol sa 'laglag b@la' sa airport. Pero tandaan natin, may mga random checks talaga na ginagawa sa kahit anong airport, hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati rin sa ibang bansa," aniya.

Human-Interest

Video ng OFW na tatay na sinorpresa anak sa moving-up ceremony, kinaantigan

"Na-experience ko rin 'yan. Isang beses, na-random check ako—may pinahid silang papel sa kamay ko at sa bag ko. Napaisip ako, 'Bakit ako?' Pero narealize ko na baka dahil sa dami ng bitbit kong vitamins sa hand carry ko—puro bagong bukas at halos puno pa lahat. Kaya na gets ko agad bakit ako na random check."

Sa kabilang banda, hindi raw siya kinabahan dahil alam naman daw niya sa sarili niyang wala siyang dalang mga bawal na bagay.

"Pero hindi ako kinabahan kasi alam ko sa sarili ko na wala akong dalang bawal. Sa ganitong sitwasyon, mahalaga talaga na kalmado ka lang. Mag-focus ka lang, at makipag-cooperate. At higit sa lahat, maging magalang tayo kapag nagtatanong sa mga officers. Trabaho lang din nila ’yon."

May paalala naman ang vlogger sa kapwa niya content creators gayundin sa mga pasahero.

"Para sa mga content creator at kahit regular passengers—gets ko naman na gusto nating magbigay ng awareness, pero sana ’yung mga post natin ay para makatulong talaga, hindi lang para mag-viral o magpasikat."

"Kasi minsan, sa sobrang hype, naapektuhan din ang mga empleyado at pati na rin ang imahe ng bansa natin. Naiintindihan ko rin syempre ’yung kaba at frustration kapag ikaw ’yung napaghinalaan. Pero sa dulo, kalma lang. Maging alerto. At higit sa lahat, maging responsable sa mga sinasabi’t pinopost natin online."

Photo courtesy: The Pinoy Traveler (FB)

Pahabol pa niya, "Make sure lng po yung luggage natin specially yung handcarry , hindi natin iniiwan sa kung saan saan at maging observant sa paligid. Huwag po masyado mag overthink.. Relax lang."

"Hopefully ma fix na yung mga ganitong issue sa airport.. Kabado na nga sa interview ng Immigration officer, dagdag kaba pa dahil sa luggage hahaha.. Mapapa buntong hininga ka tlaga pag nakasakay ka na ng plane at nakababa na sa destination mo."

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens tungkol sa sinabi ng vlogger:

"Nangyari at big and dangerous issues kasi yon. Okay lang na mabigyan ng warnings ang lahat para maka pag ingat ang lahat.

I don’t mind receiving this warnings whether it’s true or not. One way or another, puedeng Totoo nga dahil nga may history na. And knowing some Pilipinos (not all) want easy money, they might be tempted to try it again. It is like, maybe, they are testing the water kung puede ulit ang Operandi na iyan. So, para sa akin, cool ka lang. Wala naman siguro na masama kung maging mas ma Ingat ang mga Tao. Have a good day."

"Sa ibng bansa KC sir tlgng my procedures na sinusunod, dito stin modus na! Sino b nmn mgddla ng Bala n yn, ipgpplit yung ikbnuhay ng pmilya, Kya nkkhya nmn tlg kht saang airport sa atin lngbyta my gnyng modus."

"Very well said thank you khit papano may isang katulad mo n nakakaintindi sa mga ngtratrabaho sa airport sna dumami pa ang ktulad mo sir."

"Ang OA ng iba, normal lang ang random check. Alam na alam ito ng mga frequent travelers."

"Yea random check is pretty normal in all airports in the world but if waley kang dalang illegal is dka nman kabahan. Sa atin kc is different story , who the hell do u think bringing live bullet or empty bullet case to the airport? Na even liquid thingy people are aware na hindi pwede ang more than 100mls."

"Naranasan ko din ma random check ng byahe ko from Vienna to Rome, dahil sa cream na dala ko sa backpak. After nila magpahid sa kamay ko ang bag at wala naman traces ng illegal substance eh Go na din ako. Pero iba po ung usapan ng tanim bala. Medyo kakaiba un."

Kamakailan lamang, nag-viral ang hinaing ng isang babaeng pasahero matapos niyang ibahagi ang naranasang random checking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Matapos ang nangyari, sinabi na raw ng staff na “okay na” ang proseso at tiningnan na lamang ang kaniyang boarding pass.

Iginiit din ng pasahero sa naturang post na magsilbi raw sanang awareness ang kaniyang karanasan para sa iba, at kahit na “random” check daw ang nangyari, dapat maayos na maipapaliwanag ng staff ang tungkol dito.

KAUGNAY NA BALITA: Pasahero, naglabas ng himutok hinggil sa naranasang ‘random checking’ sa NAIA