April 16, 2025

Home BALITA Eleksyon

Pakiusap ng Comelec sa mga kandidato sa Mahal na Araw: 'Irespeto natin!'

Pakiusap ng Comelec sa mga kandidato sa Mahal na Araw: 'Irespeto natin!'
Photo courtesy: Comelec at Pexels

Muling nakiusap ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato na iwasan ang pangangampanya sa kasagsagan ng Mahal na Araw, partikular na sa Huwebes at Biyernes Santo.

Sa panayam ng media kay Comelec Chairman George Erwin Garcia nitong Lunes, Abril 14, 2025, hiniling niya ang “pagrespeto” ng mga kandidato para sa naturang religious activity.

“Bawal po ang pangangampanya sa Mahal na Araw lalo na po ang Huwebes Santo at Biyernes Santo,” ani Garcia.

“Irespeto po sana natin ang isang napaka-solemn na isang  religious activity at event na ito. Ito po ay kung paano natin nirerespeto ang ibang relihiyon, ganiyan din po dapat ang pagrespeto natin,” aniya.

Eleksyon

'ITIM' campaign ad concept, pakana raw ni VP Sara sey ni Sen. Imee

Pinuna rin niya ang mga umano’y kandidato na gagamitin daw ang konsepto ng pamamanata para sa palihim na pangangampanya. 

“Okay lang naman po kung mamanata, wala naman po tayong magagawa doon dahil kung talaga naman pong ginagawa nila. Pero, yung pamamanata na medyo, alam n’yo naman—may kasamang pangangampanya, nag-didistribute ng kung ano-ano at pagkatapos kasama pa yung campaign team. Hindi naman po yun pamamanata, kampanya naman po yun,” aang Comelec Chairman.

Matatandaang nauna nang mag-abiso ang Comelec sa kanilang Facebook page kaugnay ng pagbabawal sa mga kandidato na mangampanya sa nasabing dalawang araw ng Semana Santa. 

KAUGNAY NA BALITA: Comelec, ipinagbawal pangangampanya sa piling araw ng Holy Week