April 16, 2025

Home BALITA Eleksyon

Boss Toyo inalok kumandidato pero bakit hindi tumakbo?

Boss Toyo inalok kumandidato pero bakit hindi tumakbo?
Photo Courtesy: Boss Toyo (FB)

Isiniwalat ng social media personality at Pinoy Pawnstar vlogger na si "Boss Toyo" ang dahilan sa likod ng hindi niya pagkandidato ngayong 2025 midterm elections.

Sa isang press conference kamakailan sa Bonifacio Global City, sinabi ni Boss Toyo na may nag-alok umano sa kaniya upang maging 2nd nominee ng Pinoy Ako Partylist at pagkakonsehal sa District 1 ng Maynila.

"Hindi pa ito para sa akin, e. Hindi ko alam kung kailan, hindi ko alam kung tatakbo. Pero para sa akin, wala pa po siya talaga sa isip ko. Noong una akala ko, kaya ko. Saka siyempre, wala akong alam unang-una. Ayoko namang daanin sa pagiging popular o kaya pagiging mabait o matulungin,” saad ni Boss Toyo.

Dagdag pa niya, “Opinyon ko lang ito. Hindi sapat na umupo ka sa kahit anong posisyon kung wala kang alam sa pagpapatakbo. Mahirap ‘yan kasi tao na ‘yong hinahawakan mo. Governance, kung nasa national ka. Kung magko-Congress ka naman gagawa ka ng batas. Ano 'yong gagawin mo kung sumikat ka lang as an influencer?”

Eleksyon

'ITIM' campaign ad concept, pakana raw ni VP Sara sey ni Sen. Imee

Ayon kay Boss Toyo, halos lahat daw ng taong nakapaligid sa kaniya ay kinukumbinse na siyang kumandidato, siya lang daw ang tumanggi.

"Actually lahat sila pinapatakbo ako, ako lang yung nag-beg off kasi ayokong maging katawa-tawa. Ayoko kasing masabihan na wala ka namang alam,” aniya.

Matatandaang sa kasagsagan ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) noong Oktubre 2024 ay inakala rin ng marami na tatakbo si Boss Toyo dahil sa edited na larawang ibinahagi niya sa publiko.

MAKI-BALITA: Boss Toyo 'nag-file' na rin: 'Wala na 'ko magagawa, ito sinisigaw ng taong-bayan!'