April 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

Endorso? Larawan nina VP Sara, Direk Darryl, at Sen. Imee, usap-usapan

Endorso? Larawan nina VP Sara, Direk Darryl, at Sen. Imee, usap-usapan
Photo courtesy: VinCentiments, D'Real Yap (FB)

Palaisipan sa mga netizen ang larawan nina Vice President Sara Duterte, kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap, at re-electionist Sen. Imee Marcos na naka-post sa official Facebook page ng "VinCentiments."

Makikita sa larawan na nakasuot ng itim na damit ang tato, habang may green screen background.

May caption itong hashtag na "#ITIM."

Photo courtesy: Screenshot from VinCentiments (FB)

Ibinahagi rin ito sa Facebook page ng direktor na "D'Real Yap."

Eleksyon

99.9% accuracy rate sa Random Manual Audit naitala sa mga nagdaang eleksyon—Comelec

Photo courtesy: D'Real Yap (FB)

Batay sa comment section, hinala ng mga netizen ay i-eendorso ni VP Sara si Sen. Imee para sa pagkasenador. Ito ay sa kabila ng "alitang politikal" sa pagitan ng kampo ng mga Duterte at Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., na kapatid ng senadora.

Umigting pa ito sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC) noong Marso 11, dahil sa kasong "crimes against humanity."

BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Pinangunahan naman ni Sen. Imee ang Senate hearing hinggil sa umano'y pagiging ilegal ng nabanggit na pagdakip. Gayundin, kumalas na rin ang senadora sa senatorial slate ng administrasyon, ang "Alyansa Para sa Bagong Pilipinas."

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee, dismayado sa ‘di pagdalo ng Cabinet officials sa hearing niya

Sa isang panayam, sinabi ni VP Sara na magkaibigan pa rin sila ni Sen. Imee sa kabila ng mga nangyayaring gusot sa politika sa pagitan ng kanilang mga pamilya.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, kaibigan pa rin si Sen. Imee: ‘I’d like to believe it's beyond politics’

Samantala, inendorso naman ng kapwa senador at presidente ng Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) na si Sen. Robin Padilla si Sen. Imee, kahit wala raw itong basbas ng partido at kanilang chairman na si dating Pangulong Duterte.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee ibinida pag-endorso ni Sen. Robin: 'Tapat na kaibigan, tapat sa bayan!'

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin ineendorso si Sen. Imee pero walang kinalaman si FPRRD, PDP

Wala pang opisyal at pormal na anunsyo mula sa kampo ni VP Sara o ni Sen. Imee kung tungkol na ba sa pag-endorso ang nasa likod ng nabanggit na larawan.