Pumanaw na sa edad na 85 taong gulang ang nag-iisang Asia’s Queen of Songs at batikang singer at aktres na si Pilita Corales nitong Sabado, Abril 12, 2025.
Kinumpirma ng kaniyang apo at aktres na si Janine Gutierrez sa pamamagitan ng social media post ang pagpanaw ng kanilang mami/mamita.
“It is with a heavy heart that we announce the passing of our beloved mami and mamita, Pilita Corales. Pilita touched the lives of many, not only with her songs but also with her kindness and generosity. She will be remembered, but most of all for her love of life and family,” ani Janine.
Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, nagsimula ang karera ni Pilita nang madiskbre siya sa Australia kung saan bumida ang kaniyang recording na "Come Closer to Me."
Tuluyang yumabong ang karera ni Pilita pagbalik niya sa Pilipinas matapos siyang bumida sa isang stage show noon na "La Taberna."
Parte rin si Pilita sa pag-usbong ng local music industry ng bansa matapos ang release ng kaniyang blockbuster album na "Philippine Love Songs," kung saan kabilang ang kaniyang hits na "Dahil Sa Iyo," "Irog Ako ay Mahalin," at "Hinahanap Kita."