April 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

Pagsasapubliko ng listahan ng registered overseas voters, legal ayon sa Comelec

Pagsasapubliko ng listahan ng registered overseas voters, legal ayon sa Comelec
Photo courtesy: Comelec/Facebook

Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na legal umano ang pagsasapubliko nila sa kanilang website ng listahan ng mga opisyal na registered overseas voters. 

Kinondena ito ng Computer Professionals' Union (CPU) kung saan isa raw breach of data privacy ang pagsasapubliko ng mga pangalan ng rehistradong botante overseas. 

Bunsod nito, tinawag ng komisyon na malisyoso ang naturang pahayag ng CPU dahil naaayon umano sa batas ang kanilang ginawa. 

"Ang paglalathala ng Certified List of Overseas Voters sa website ay siya mismong itinatakda ng batas, at isa sa mga kinakailangan gawin ng COMELEC upang ipatupad ang RA No. 10590," anang pahayag ng Comelec. 

Eleksyon

Sen. Robin ineendorso si Sen. Imee pero walang kinalaman si FPRRD, PDP

Wala rin umanong basehan ang naturang akusasyon sa kanila ng CPU.

"Ang pahayag na ang naturang online publication ng listahan ay hindi lamang malisyoso kundi mali at walang basehan sa batas," anang komisyon. 

Samantala, noong Biyernes, Abril 11, 2025 nang ianunsyo ng Comelec na umabot na sa 48,000 mga botante ang nakapag-enroll sa online website na gagamitin nila para sa kauna-unahang online overseas voting.