April 13, 2025

Home BALITA

Pagpatay kay Anton Tan, walang kinalaman sa POGO—Atty. Kit Belmonte

Pagpatay kay Anton Tan, walang kinalaman sa POGO—Atty. Kit Belmonte
photo courtesy: Kit Belmonte/FB, GMA NEWS

Mariing pinabulaanan ng pamilya ni Filipino-Chinese businessman Anton Tan, kilala rin bilang Anson Que, na may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang pagpatay sa negosyante kamakailan.

BASAHIN: Kinidnap na si Anson Que, natagpuan umanong patay kasama ang driver

KAUGNAY NA BALITA: PNP, kinumpirmang sina Anson Que, driver ang natagpuang patay sa Rizal

"The family of the late Anson Tan firmly disputes allegations that their father was involved in POGO transactions. They have no rental property in Bulacan to speak of," ayon sa isang pahayag ni Atty. Jose Christopher “Kit” Belmonte, legal counsel ng pamilya ni Que, nitong Sabado, Abril 12.

Marbil, nangako sa seguridad ng Filipino-Chinese traders: ‘We will not rest until these cases are solved’

"Mr. Tan has been engaged in legitimate business for decades and is a stalwart member of the Filipino Chinese business community and is known for his charitable work. During his lifetime, he stayed away from shady dealings and only did business with people he knew and trusted," dagdag pa niya.

Matatandaang ag tinitingnan anggulo ng Philippine National Police’s (PNP) na may kinalaman sa POGO ang pangingidnap at pagpatay kay Tan at sa driver nitong si Armanie Pabillo. 

Samantala, umapela rin si Belmonte sa publiko.

"We appeal to the public to remain critical of misleading news and thank everyone for their support. The family will continue to fully cooperate with the Philippine National Police even as they request that they be accorded privacy during this time of grief and mourning." 

Kaugnay nito, siniguro ni PNP chief Rommel Marbil na nakatutok umano ang pulisya sa seguridad ng mga Chinese nationals sa bansa. 

"We understand the urgency and gravity of these cases. The Philippine National Police is fully committed to resolving them swiftly and restoring confidence in public safety," ani Marbil.

BASAHIN: Marbil, nangako sa seguridad ng Filipino-Chinese traders: ‘We will not rest until these cases are solved’

Nauna na ring nagpahayag ng pagkabahala ang dating presidente ng isang malaking business community na si Dr. Cecilio Pedro hinggil sa kaso ng kidnapping sa mga kapwa niyang Chinese businessman sa Pilipinas. 

BASAHIN: Filipino-Chinese businessman, ikinababahala ang kidnapping sa mga kapwa negosyante sa 'Pinas