April 13, 2025

Home BALITA National

Paghingi ng gov't ID sa mga tetestigong EJK victims, 'di makatarungan?

Paghingi ng gov't ID sa mga tetestigong EJK victims, 'di makatarungan?
Photo courtesy: BAYAN Europe/Facebook

Inalmahan ng isang abogado ang rekomendasyon ng defense lawyer ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na magpakita ng government IDs ang lahat ng tetestigo sa umano’y Extra Judicial Killings (EJK) victims laban sa dating Pangulo. 

Ayon sa ulat ng isang lokal na pahayagan noong Biyernes, Abril 11, 2025, noong Abril 7 umano nang maghain ang defense lawyer ni Duterte na si Nicholas Kaufman sa International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I na magkaroon dapat ng national identity card o updated passport ang lahat ng mga lalahok na testigo laban sa kaniyang kliyente.

Saad pa ng naturang ulat ang pahayag naman ni ICC accredited counsel at CenterLaw Philippines chairperson Joel Butuyan hinggil sa nasabing rekomendasyon ni Kaufman.

"The kind of IDs being demanded by Mr. Kaufman are documents that are badges of wealth and privilege in the Philippines. They are unavailable to victims who are in poverty, and who constitute the overwhelming number of the people killed by his client," ani Butuyan. 

National

15 pagyanig, naitala sa Bulkang Kanlaon — Phivolcs

Iginiit din niya na tila dalawang beses umanong pagkakaitan ng inhustisya ang mga biktima ng war on drugs kung hindi sila papayagang tumestigo dahil sa kawalan ng sapat na government IDs. 

"The victims’ families have already lost loved ones. For them to be refused recognition as victims of the murderous Mr. Duterte, because of their lack of government-issued IDs, is to make them suffer grave injustice twice over," aniya.