Siniguro ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Marbil na nakatutok umano ang pulisya sa seguridad ng mga Chinese nationals sa bansa, kasunod ng pagpatay sa Filipino-Chinese businessman na si Anson Que.
KAUGNAY NA BALITA: Kinidnap na si Anson Que, natagpuan umanong patay kasama ang driver
Sa isang pulong kasama ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), nangako si Marbil na nakahanda raw ang mga awtoridad na resolbahin ang naturang isyu.
"We understand the urgency and gravity of these cases. The Philippine National Police is fully committed to resolving them swiftly and restoring confidence in public safety," ani Marbil.
Dagdag pa niya, "We are deeply concerned, and we will not rest until these cases are solved. We are mobilizing all investigative assets and leveraging every capability to ensure these incidents do not recur."
Matatandaang noong Abril 10 nang tuluyang kumpirmahin ng PNP ang pagkakakilanlan ng mga bangkay ni Que kasama ang kaniyang personal driver na itinapon sa Rizal.
KAUGNAY NA BALITA: PNP, kinumpirmang sina Anson Que, driver ang natagpuang patay sa Rizal