April 17, 2025

Home BALITA National

Kaso ng bullying sa mga paaralan, sinseryoso ng DepEd

Kaso ng bullying sa mga paaralan, sinseryoso ng DepEd
Photo Courtesy: via MB

Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na wala umanong lugar sa mga paaralan ang anomang uri ng pang-aapi o bullying.

Sa isang Facebook post ng DepEd nitong Sabado, Abril 12, sinabi nilang seryoso nilang tinututukan ang bawat kaso ng bullying sa paaralan.

“Every case is taken seriously, with swift action and sustained efforts to ensure safe and supportive learning spaces for all,” saad ng DepEd.

Kaya sa ilalim ng pamumuno ni DepEd Secretary Sonny Angara, principal author ng Anti-Bullying Act of 2013 (RA 10627), paiigtingin ng kagawaran ang matatag at malinaw na pangangalaga sa mga bata sa pamamagitan ng Comprehensive Assessment, Policy Updates, Training, Values Formation, Interventions, at Mental Health Support.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

“DepEd remains committed to working with parents, teachers, and communities to ensure learners feel safe and empowered in schools,” dugtong pa nila.