April 13, 2025

Home BALITA National

Kaguruan, paaralan pinaalalahanang protektahan personal data ng mga estudyante

Kaguruan, paaralan pinaalalahanang protektahan personal data ng mga estudyante
Photo Courtesy: NPC (FB)

Nagbigay ng paalala ang National Privacy Commissions (NPC) sa mga pang-edukasyong institusyon at kaguruan kaugnay sa personal data ng mga estudyante.

Ito ay matapos mahagip sa isang kumalat na video ang pangalan at Learner Reference Number (LRN) ng estudyante dahil sa dalawang teacher na nagtuturo kung paano i-dry seal ang diploma.

Kaya sa isang Facebook post ng NPC noong Biyernes, Abril 12, pinaalala nilang ayon sa Data Privacy Act, kabilang ang LRN sa mga sensitibong impormasyon.

“We strongly advise to exercise caution when posting or sharing any documents that contain personal data,” saad ng NPC.

National

Kaso ng bullying sa mga paaralan, sinseryoso ng DepEd

Dagdag pa nila, “Before sharing or uploading, please ensure that such sensitive details are redacted or anonymized to avoid violating data subject rights.”

Samantala, kung ang indibidwal ay may impormasyon naibahagi ng iba nang walang pahintulot, maaari magsampa ng reklamo sa NPC sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa [email protected].