Dismayado ang make up artist na si Jelly Eugenio dahil na-offload ang make up baggage niya sa isang flight, na nagresulta umano sa pagkawala ng trabaho niyang may "6-digit" na bayad.
Sa isang TikTok video no'ng Biyernes, Abril 11, ibinahagi niya ang pagkadismaya niya.
"PAL did it again. They left my luggage again. And i think they will forever target my luggage for this," saad ni Jelly.
"They offloaded my makeup luggage from myflight and i have to go straight towork - every makeup artist’s nightmare. This is the second time, first in Palawan, now in Siargao," dagdag pa niya.
Kuwento pa ng make up artist, tinanong niya umano ang counter kung tsansa bang ma-offload ang bagahe niya dahil nangyari na nga iyon sa kaniya.
"And i respectfully asked the counter kung may chance mag-offload dahil tatanggalin ko na lang dun and ihahandcarry yung important - paulit ulit ko tinanong na sure napo ha? Because i had previous experience na nga. Sabi hindi mao-off load. Nilagyan pa ng tag na priority because nga iexplained how im going straight to work," saad ni Jelly.
"First surprise, this flight is delayed by 2hrs, were already in the airport and our supposed plane is still in manila. No notice, no anything.
"And if i thought that was already bad, them randomly picking my “priority” workbag to offload is a nightmare.
"Sana yung damit na luggage na lang iniwan. Mata-target talaga nila yung bag ko for work because it’s heavy. May mga makeup. May mga brush. May ilaw.
"This is tiring and traumatizing. Tapos babayad na naman kayo ng 2k sa nawala na job na 6 digits."