Hinimok ni Senate President Chiz Escudero si Senador Imee Marcos na iwasang gamitin ang Senado bilang platform para sa "personal political objectives" nito.
Sinabi ito ni Escudero sa isang pahayag nitong Biyernes, Abril 11, matapos siyang kondenahin ni Marcos dahil sa hindi niya pagpirma sa contempt order laban kay Special Envoy on Transnational Crime Ambassador Markus Lacanilao, at ang pag-atas niyang palayain ito mula sa detention facility.
Matatandaang sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Affairs hinggil sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes, Abril 10, ipina-contempt ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa si Lacanilao matapos ang umano’y kuwestiyonableng mga sagot niya.
MAKI-BALITA: Ambassador Lacanilao ipina-contempt ni Sen. Bato: ‘You’re lying!’
"Senator Marcos says that this episode sets a terrible precedent, and I concur, but for different reasons. I believer it is dangerous precedent to allow senators to flour the Senate's own rules for personal gain. For when procedures meant to safeguard due process and institutional integrity are ignored for media mileage or political ambition, that is when the credibility of the Senate is threatened," saad ng senate president.
Kasunod nito ang naturang paghimok niya sa senador: "I urge Senator Marcos to refrain from using the Senate as a platform for her own personal political objectives and to instead use her name, title, and influence as a bridge toward unity, not a wedge for division. Our people and our country expect and deserve no less."
Sinabi rin ni Escudero na hindi niya hahayaang magamit ang Senado maging ang Office of the Senate Presidente sa anumang "petty partisan interests," lalo na raw doon sa reelectionist senators sa May 2025 national elections.
"The Senate is an institution of reason and rule; it is not a tool to be leveraged for propaganda or self-promotion."
Samantala, nilinaw rin ni Escudero ang naging desisyon niyang hindi idetine sa Senado si Amb. Lacanalo.