Pinayuhan ni Senador Alan Peter Cayetano sina Senate President Chiz Escudero na magpalamig ng ulo matapos ang naging isyu ng contempt order laban kay Special Envoy on Transnational Crime Ambassador Markus Lacanilao kaugnay ng pagdinig hinggil sa naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“I'm hoping that magkaroon ng chance na magkausap si Senator Imee at Senator Chiz. Kasi nga, mas focus natin yung findings ng committee,” ani Cayetano sa panayam ng mga mamamahayag nitong Biyernes, Abril 11.
Matatandaang sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Affairs nitong Huwebes, Abril 10, kinatigan ni committee chair Marcos ang pagpapa-contempt ni Senador Dela Rosa kay Lacanilao matapos ang umano’y kuwestiyonableng mga sagot niya at umano’y pagsisinungaling niya sa pagdinig.
MAKI-BALITA: Ambassador Lacanilao ipina-contempt ni Sen. Bato: ‘You’re lying!’
Samantala, nitong Huwebes ng gabi nang iniit niyang hindi umano nilagdaan ni Escudero ang contempt order at iniatas pa ang pagpapalaya rito mula sa detention facility.
MAKI-BALITA: SP Chiz, ‘di pinirmahan contempt order vs Ambassador Lacanilao; pinalaya agad – Sen. Imee
Kinabukasan nitong Biyernes ay bumuwelta naman si Escudero at hinimok si Marcos na iwasan umanong gamitin ang Senado bilang plataporma para sa "personal political objectives" nito.
MAKI-BALITA: SP Chiz hinimok si Sen. Imee na iwasang gamitin ang Senado para sa 'personal political objectives' nito
KAUGNAY NA BALITA: SP Chiz, naglabas ng show cause order para kay Ambassador Lacanilao
“Ang akin lang is cooler heads and eyes on the ball,” panawagan ni Cayetano sa dalawang kapwa niya senador.
Sinabi rin ni Cayetano na naiintindihan naman niya sina Escudero at Marcos dahil naranasan din daw niyang
“I've also been there eh. As speaker, hindi ka naman basta-basta pirma nang pirma ng subpoena or ng contempt order. But I've also been chairperson na sometimes you want to prove a point, and nandoon na yung basis,” ani Cayetano.
“So yun na nga lang advice ko sa dalawa: Magpalamig ng ulo tapos eyes on the ball tayo,” dagdag niya.