April 17, 2025

Home BALITA National

Pagtaas ng krimen sa bansa, dahil sa pagpapaaresto ni PBBM kay FPRRD! –Roque

Pagtaas ng krimen sa bansa, dahil sa pagpapaaresto ni PBBM kay FPRRD! –Roque
Photo courtesy: Harry Roque,Bongbong Marcos/FB at ICC/website

Iginiit ni dating Presidential spokesperson Harry Roque na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng krimen sa bansa.

Sa isang panayam ng media na ibinahagi ni Roque sa kaniyang Facebook account nitong Biyernes, Abril 11, 2025, iniugnay niya ang hindi umano pagsunod ni PBBM sa batas matapos ang pagpapaaresto raw kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

“Kaya nagkakaroon ng mga karumal-dumal na krimen, unang-una, leadership by way of example—Kung ang pinakamataas na Presidente ng Pilipinas ngayon na si Marcos Jr. ay hindi sumunod sa batas kung paano aarestuhin ang isang tao. Gaya ng isang dating Presidente sa bisa ng mandamiento ng ICC, bakit pa ang mga ordinaryong mga mamamayan ay susunod din sa batas kriminal natin?” ani Roque. 

Dagdag pa ni Roque, kung gusto raw ng bansa na magpatupad ng batas para sa mga krimeng katulad ng kidnapping, kailangan umanong manguna raw si PBBM sa pagsunod dito. 

National

'Sino ang mga hudas na tumanggap ng pilak ng ginto sa ating lipunan?'—Harry Roque

“Dapat ang chief executioner ng batas, yung pangunahing opisyales, yung Presidente na ang kaniyang katungkulan ay ipatupad ang batas, siya mismo dapat sumusunod sa batas!” saad ni Roque.

Matatandaang noong Marso 11 nang maaresto si Duterte sa bisa ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD